Sa pakikipagtalastasan, ang pangunahing ginagamit ng tao sa kanyang pakikipagtalastasan sa kapwa ay wika. Naipapahayag ng tao ang kanyang damdamin, napapaunlad niya ang kanyang sarili at kapwa sa pamamagitan ng wika na kanyang ginagamit sa pakikipagtalastasan.
Sinasabing ang wika ang pangunahing batayan sa paghubog ng kultura ng mga etnolinggwistiko. Ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat pangkat. Kinakailangan pag-aralan mo ang wika ng isang lahi kung nais mong suriin ang kultura nito. Sinasabi nga na sinasalamin ng wika ang kultura ng isang bansa. Ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat pangkat. Kaya’t ang papel na ginagampanan ng mga pamahalaan ng bawat bansa ay mahalaga upang isulong ang pagkakaroon ng isang wika sa kanilang bansa.
Karagdagang mga impormasyon:
Bakit magkakaiba ang wika at kultura ng mga Asyano?
https://brainly.ph/question/1019593
Epekto ng wika sa pagbuo ng kabihasnang Asyano
https://brainly.ph/question/159219
https://brainly.ph/question/1711823