Sagot :
Answer:
SA KAMAY NI TATAY
"Mag-ingat ka palagi", yan ang lagi mong paalala;
Na sa tuwing lalabas ako't maglalaro tuwing umaga.
Abutin man ng tanghali, o hanggang hapon sa kalsada.
Pag-uwi ko'y may punas sa likod, ng masigasig kong ama.
Eto na yata ang saya, sa puso ko bilang musmos;
Binusog mo 'ko ng kalinga, at pagmamahal na lubos.
Bawat araw na dumaraan, hatid ay ligayang 'di matapos.
Pagkabata ko'y makulay, sa araw-araw na likha ng Diyos.
Subalit ang kapayapaan, sa utak mo'y pinagdamot.
Si itay na masayahin, ay tila palungkot nang palungkot.
Unti-unti ka nang nawala, buhay ay napuno na ng gusot.
Tunay nga pong nakakasira, itong ipinagbabawal na gamot.
Itay, tandang-tanda ko pa, yaong dati nating mga kwentuhan.
Habang nakaupo ako sayong hita, ay sabay tayong nagtatawanan.
Halik mo saking pisngi, at mga yakap na 'di matatawaran,
Wala na nga yatang tutumbas, sa binibigay mo sa'king kagalakan.
Isang araw gaya ng dati, ako'y sa kalsada nanaman tumungo.
Sabik ang aking katawan, para sa maghapong paglalaro.
Nang bigla silang nagtakbuhan, hindi normal itong tagpo.
Paglingon ko sa likuran, titig ni Itay ay nakakapanlumo.
Gusto ko sanang magtanong, kung bakit sila nagpupulasan;
Subalit nerbyos ang namutawi, sa kasalukuyang kaganapan.
Pinilit ko ring makalayo, bakit at ano ba ang dahilan?
Sa pagkadapa ko'y-- biglang damot, nitong kamay ng kapalaran.
Sinigaw ko po ang pakikiusap, upang sana'y marining.
Iniyak ko po ang sakit, habang inihahampas mo sa sahig.
Gusto ko sanang makapiglas, sa matitibay mong mga bisig,
Subalit si Itay ay wala ng plano, na sa akin pa'y makinig.