Balik-tanaw PANUTO: Basahin at sagutin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang TP kung Teorya ng Pandarayuhan, M kung Mitolohiya at B kung Biblikal. - 1. Ang teoryang ito ay nagsasabi na ang lahing Pilipino ay nagmula kay Malakas at Maganda. 2. Ayon sa Genesis unang aklat sa bibliya, ang lahing Pilipino ay nagmula kay Adan at Eba. __3. Ayon sa teoryang ito ang mga Pilipino ay nagmula sa lahing Austronesian 4. Sa pamamagitan ng teoryang ito, kinilala ang mga Pilipino bilang unang nakaimbento ng bangkang may katig, 5. Pinaniniwalaan ding mula sa grupo ng mga taong ito nakilalang umunlad ang pagtatanim ng palay at ng rice terraces na tulad ng Hagdan-Hagdang Palayan sa Banaue. Matapos mong sagutan ang mga katanungan, ikaw ay handa na sa panibagong aralin sa susunod na pahina ng modyul.