SUBUKIN (PRE-TEST)
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa papel o kwaderno
ang titik ng wastong sagot.
1. Paano mo matutulungan ang isang pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay sa inyong
lugar?
A. Pagtatawanan ko sila.
B. Hahayaan ko lang sila doon.
C. Pagsasabihan ko silang umalis sa lugar,
D. Ipagbibigay-alam ko sa kinauukulan para marelocato sila
2. May mga pulubing nangangalkal ng mga plastik at bote sa basurahan. Paano mo
sila matutulungan?
A. Ibibigay ko sa kanila ang mga basurang bote at plastik sa bahay.
B. Ipagbibili ko sa kanila ang aming mga basurang bote at plastik,
C. Ipagtatabuyan ko sila dahil nakakarumi ng paligid.
D. Pagagalitan ko sila dahil marumi ang basura.
3. Paano mo tutulungan ang iyong kapitbahay na nasunugan?
A. Sasamahan ko siyang manghingi ng pera sa mga tao sa daan.
B. Hihingi ako sa nanay ng gamit para ibigay sa kanila.
C. Sisihin ko siya sa pagkasunog ng kanilang bahay.
D. Hindi ako makikialam sa kanilang problema.​