Sagot :
Answer:
Maaring nakakapagtaka kung bakit maraming bansang kanluraning (Europeong bansa) ang nakasakop sa mga bansa sa Asya lalo’t napakalayo ng Europa sa Asya. Pero may mga dahilan ang pananakop ng mga kanluraning bansa sa Timog at Kanlurang Asya. Ang pananakop na ito ay nagdulot ng maraming pagbabago sa mga buhay ng mga Asyano.
Tuklasin pa ang mga bansa sa Timog Kanlurang Asya sa link na ito: brainly.ph/question/577114
Mayroong limang dahilan ang mga kanluraning bansa sa pag-punta sa Asya:
1. Mga Krusada – mga kilusang nilungsad ng simbahan at ng mga Kristianong hari upang mabawi ang banal na lugar.
2. Ang paglalakbay ni Marco Polo – Dahil sa nagsilbi siyang tagapayo ni Emperador Kublai Khan, nailimbag niya ang librong “The Travels of Marco Polo” (1477) kung saan naitala ang niya ang yaman at ganda ng kulturang ng bansang Tsina.
Sino si Marco Polo? Alamin sa link na ito: brainly.ph/question/471327
3. Ang Renaissance – Isang kilusang pilosopikal na makasining na nagbigay diin sa pagbabalik ng interes sa mga kaalamang klasikal sa Greece at Rome.
Alamin ang tungkol sa renaissance sa link na ito: brainly.ph/question/204047
4. Ang Pagbagsak ng Constantinople – Ang pagbasak ng lugar na ito ang naging dahilan ng pagkakadiskubre ng mga taga kanluran sa mga lugar sa Asya.
5. Merkantilismo – Ang pag-aari ng ginto ay simbolo ng kayamanan at kapangyarihan para sa mga taga Europa. Dahil sa pag-aagawan ng mga kanluraning bansa sa ginto natuklasan nila ang iba pang maaring pagkuhan nito tulad ng mga bansa sa Timog at Kanluarang Asya.
Sa mga nabanggit na dahilan, nadiskubre nila ang ganda at yaman ng mga bansa sa Asya. At narito pa ang ilang dahilan bakit naman nila sinakop ang mga bansa sa Asya.
• Magandang lokasyon sa pakikipagkalakal
• Mayaman sa likas na yaman kasama ang ginto
• Pagpapalawak ng teritoryo
Explanation: