AGRICULTURE-4
Layunin: Naisasagawa ang mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng halamang
ornamental bilang isang pagkakakitaang gawain (EPP4AG-02-1)
Ang mga halamang ornamental ay inihahanda ayon sa makasining na pagtatanim at maaring pasibulin
muna ang mga buto o sangang pantanim upang makatiyak at makasiguro na tatagal ang buhay ng
bawat halamang itatanim
Gumawa muna ng layout na pagtataniman ng mga halaman upang hindi masayang ang pagod at
pera. Kapag handa na ang lupang pagtataniman ay maari nang itanim ang mga inihandang mga
pananim. Diligan at alagaan ang mga halamang ornamental na itinanim upang masiguro na mabubuhay
at lalago
Aralin: Kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng halamang ornamental
Gawain 1
Panuto: Lagyan ng tsek () ang mga halamang ornamental at (x) ang hindi.
1. Saging
2. Gumamela
3. Santan
4. Rosas
5. Mustasa​