50 examples ng mga salitang kolokyal.



Sagot :

50 Halimbawa ng Salitang Kolokyal:

  1. Ay Hesus! - aysus!
  2. Mayroon - meron
  3. Dalawa - dalwa
  4. Diyan - dyan
  5. Kwarta - pera
  6. Nasaan - nasan
  7. Paano - pano
  8. Sa Akin - sakin
  9. Kailan - kelan
  10. Kamusta - musta
  11. Ganoon - ganun
  12. Puwede - pede
  13. At saka - tsaka
  14. Kuwarto - kwarto
  15. Pahinge - penge
  16. Naroon - naron
  17. Inalisan - inalsan
  18. Kaunti - konti
  19. Beinte - bente
  20. Dalawampu - dalwampu
  21. Puwitan - pwetan
  22. Walang pakialam - lampaki o lampake
  23. Pakialam - paki
  24. Hindi ba? - diba?
  25. Eh 'di - edi
  26. Kinain - nakain
  27. Bakit? - ba't?
  28. Asong-kalye - askal
  29. Pusang-kalye - pusakal
  30. Pinsan - insan
  31. Kapisan - pisan
  32. Ayaw ko - ayoko
  33. Saan ba? - san ba?
  34. Piyesta - pista
  35. Ay, hintay! - antay!
  36. Inilaban - nilaban
  37. Ipinangako - pinangako
  38. Isinalba - sinalba
  39. Ipinahiya - pinahiya
  40. Ikinuwento - ikinwento
  41. Ikinuwenta - kinwenta
  42. Pang-madalian - panandalian
  43. Ikinukubli - kinukubli
  44. Probinsyano - promdi
  45. Tatay - erpat
  46. Kabarikada - barkada
  47. Halika - lika
  48. Doon - dun
  49. Kani-kaniya - kanya-kanya
  50. Pulis - Parak

Kahulugan ng Kolokyal

Ang Kolokyal ay isang uri ng impormal na salita kung saan ginagamit natin itong pang- araw - araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar , bagama’t may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasabi .

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Kolokyal ng salita tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/302536

Antas ng wika

  1. Kolokyal/pambansa - wikang ordinaryo na gamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at Filipino
  2. Kolokyalismong karaniwan - ginagamit na salitang may "Taglish"
  3. Kolokyalismong may talino - ito ay sa loob ng silid-aralan ginagamit.
  4. Lalawiganin/Panlalawigan - ito'y ang gamit na wika ng isang partikular na lugar o pook.
  5. Pabalbal/balbal (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan.
  6. Pampanitikan/panitikan - wikang may sinusunod na alituntunin o batas ng balarila at retorika.

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Antas ng Wika tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/1771265

Dalawang kategorya ng wika

Pormal - Ang pormal ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit ito sa mga usapang pormal. Narito ang mga uri nito:

  • Pambansa o karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan.
  • Pampanitikan o panretorika - mga salitang ginagamit sa mga akdang pampanitikan, karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining.

Impormal o di-pormal - Ang di-pormal ay karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan. Narito ang mga uri nito:

  • Lalawiganin - mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang.
  • Balbal - mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang nabuklat sa lansangan.
  • Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong inpormal. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito.

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Kategorya ng Wika tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/325220