Sagot at Paliwanag:
Ang Haiku ay salitang Hapon na tumutukoy sa isang uri ng maikling tula. Ang Haiku ay tulang binubuo ng labinpitong pantig, na may tatlong taludturan. Katulad ng Haiku, ang Tanka ay sumusunod sa 5/7/5 na pantig, ngunit, gumagamit ito ng dalawa pang linya para maging 5/7/5/7/7.
Bilang ng Pantig
Ang Tanka ay may 31 na bilang ng pantig habang ang Haiku naman ay may 17 lamang.
Bilang ng Taludtod
Ang Tanka ay sumusunod sa limahang taludtod habang ang Haiku naman ay may tatlo lamang.
Sukat ng Bawat Taludtud
Ang tanka ay may pattern na 7-5-7-5-7 habang ang haiku naman ay 5-7-5 lamang.
Tema
Ang Tanka ay umiikot sa tema ng pag-ibig, pagkakaisa o kaya ay pagbabago habang ang Haiku naman ay ay nakatema sa kalikasan at pag-ibig.
#BrainlyEveryday
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa haiku, magtungo lamang sa https://brainly.ph/question/844006.