1. Ang salitang ekonomiks ay nanggaling sa salitang olkonomeio, na ang ibig sabihin ay A. pamamahala sa negosyo C. pagtitipid B. pakikipagkalakalan D. pamamahala sa tahanan 2. Isang agham panlipunan ang ekonomiks sapagkat: A. pinag-aaralan kung paano mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao. B. nagbibigay ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig. C. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkamal ng salapi ang tao. D. pinag-aaralan kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kaniyang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan. 3. Sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang pangangailangan at kagustuhan kahit limitado ang pinagkukunang-yaman. A. Antropolohiya B. Ekonomiks C. Heograpiya D. Sosyolohiya 4. Ginaganahan pa rin si Kristel na mag-aral kahit modular learning ang ginagamit sa kasalukuyan.Ninanais pa rin niyang makakuha ng mataas na average dahil sa pinangakuan siya na bibilhan ng bagong cellphone ng kanyang mga magulang. Aling salik ng matalinong pagdedesisyon ang inilalarawan sa sitwasyon? A. Trade-off B. Incentives C. Marginal Thinking D. Opportunity Cost 5. Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya? A. upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito. B. para mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa. C. upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao. D. para makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano episyenteng magagamit ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao