Ano ang meaning ng batang bugnutin

Sagot :

Batang bugnutin

Kahulugan

Ang pagiging bugnutin ay nangangahulugan na mainitin ang ulo. Ibig sabihin, ang batang bugnutin ay madaling mag init ang ulo. Sila rin ay maaaring madaling mainis sa konting tukso. Ang kasingkahulugan din nito ay pikon. Ang pagiging bugnutin ay normal lamang sa mga bata dahil sila ay may maikling pasensya at pang unawa.

Bilang nakatatanda, mahalaga na magkaroon tayo ng pang intindi sa mga batang bugnutin. Unawain natin sila dahil tulad nila, tayo ay naging bata rin at napagdaanan na natin ang kanilang karanasan.  

Mga halimbawa

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng katangian ng isang batang bugnutin:

  1. Madaling mainis kapag tinutukso
  2. Laging nakasimangot
  3. Laging nananakit kapag siya ay napipikon
  4. Mahilig mag tantrums
  5. Nagagalit kapag hindi nasusunod ang gusto

Sumangguni sa mga sumusunod na links para sa karagdagang kaalaman tungkol sa pagkakaroon ng maikling pasensya https://brainly.ph/question/2096675

#LearnWithBrainly