Ang arsobispo ay isang miyembro ng kaparian, na may mas mataas na ranggo at katungkulan kaysa sa mga "regular" na obispo. Karaniwang siya ang namumuno sa isang mahalaga o pangunahing diyosis, dala ng lawak o pagiging makasaysayan nito, na tinatawag na arkidiyodosis. Siya rin ay mas makapangyarihan kaysa sa obispo.