Ang kabihasnang Sumer, na siyang umusbong sa Mesopotamia, ay maituturing na pinaka-unang sibilisasyong urban. Isa sa mga katangian ng kabihasnang Sumer kung bakit ito ay tinawag na urbanisado ay dahil sa mga sumusunod:
1. Meron itong mga siyudad na nakapagiisa at pinaghihiwalay ng mga kanal at boundary;
2. May malaki itong bilang ng populasyon kumpara sa ibang kabihasnan; at,
3. Organisado at maaayos na mga pamayanan.