Sagot :
Ano ang Asignatura?
Ang asignatura o subject ay isang sangay ng kaalaman na pinag-aaralan o tinuturo sa eskwelahan, kolehiyo o unibersidad.
Ang mga asignatura ay napapalitan o nadaragdagan sa bawat taon ng pag-aaral. Magkakaiba ang mga asignaturang tinuturo sa elementarya, sekondarya, at kolehiyo. Sa bawat asignatura maaaring magbigay ang mga guro ng mga takdang- aralin o mga proyekto sa mga mag-aaral upang lalong madagdagan o mapalawak ang kanilang kaalaman sa mga asignaturang pinag-aaralan.
Mga halimbawa ng asignatura at mga paksa
1. English
- Ang Ingles bilang isang paksa ay prosa ng panitikan, tula, dula, at iba pa.
2. Mathematics
- Ang matematika (mula sa salitang Griyego na “mathema” na ang ibig sabihin ay "kaalaman, pag-aaral" ay kasama ang pag-aaral ng mga paksang tulad ng dami (bilang teorya), istraktura (algebra), puwang (geometry), at pagbabago (pagtatasa sa matematika).
3. Filipino
- Ang asignaturang ito ay lumilinang sa mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita,pagbasa, pagsulat at pag iisip sa Filipino.
4. Science and Technology
- Ang agham at teknolohiya ay isang paksa na sumasaklaw sa agham, teknolohiya, at mga pakikipag-ugnayan sa pagitan ng dalawa.
5. Araling Panlipunan
- Ay ang pinagsama-samang pag-aaral ng maraming larangan ng agham panlipunan at ang mga humanities, kabilang ang kasaysayan, heograpiya, at agham pampulitika.
6. P.E (Physical Education)
- ay "edukasyon sa pamamagitan ng pisikal".Nilalayon nitong mabuo ang kakayahang pisikal.
7. MAPEH
- ay isang grupo ng asignatura sa paaralan Ito ay nangangahulugan ng Music, Art, Physical Education at Health. Mahalaga ang mga ito dahil pinapayuhan nila ang mga mag-aaral at tinutulungan silang masiyahan at matuto ng mga bagong bagay.
8. T.LE. (Technology and Home Economics)
- Bilang isang paksa sa sekondarya, ang mga bahagi nito ay: Home Economics, Agri-Fishery Arts, Industrial Arts, at Teknolohiya at Komunikasyon.
9. Computer
- Pinag-aaralan dito ang computer graphics, operating system, programming language at development environment.
10. Biology
- ay isang sangay ng agham na tumatalakay sa mga buhay na organismo at kanilang mga mahahalagang proseso.
11. Chemistry
- ay ang pag-aaral ng bagay, ang mga katangian nito, kung paano at bakit pinagsama o hiwalay ang mga sangkap upang mabuo ang iba pang mga sangkap, at kung paano nakikipag-ugnay ang enerhiya sa mga sangkap.
12. Physics
- ang pag-aaral ng bagay at paggalaw nito sa pamamagitan ng spacetime at lahat ng nagmumula sa mga ito, tulad ng enerhiya at lakas.
Ano ang Guro?
Ang guro o titser ay isang tao na tumutulong at gumagabay sa mga mag-aaral upang magkaroon ng kaalaman. Sila ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagkakaroon ng edukasyon ng bawat tao.
Ano ang Punong-guro?
Ang punong-guro ang siyang namumuno sa isang paaralan. Siya ang gumagabay sa mga guro sa mga dapat nilang ituro sa mga mag-aaral upang masiguro ang kalidad ng edukasyong. Nagbibigay sila ng mga panuntunin o mga batas upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng paaralan.
Ano ang Paaralan?
Sa paaralan isinasagawa ang pormal na pagtuturo ng mga aralin. Ito ang lugar kung saan nag-aaral ang isang mag-aaral. Ang mga mag-aaral sa bawat baitang ay may kanya-kanyang silid-aralan sa paaralan. Maliban sa silid-aklatan makakakita din tayo dito ng silid-aklatan, hardin, opisina ng punong-guro at ang iba pa nga ay may simbahan.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa mga link na ito:
Ano ano ang mga asignatura sa paaralan sa panahon ng mga amerikano: https://brainly.ph/question/1747141
Kaugnayan ng ekonomiks sa iba't ibang asignatura: https://brainly.ph/question/359565