Ang mga sibilisasyon, lalo na ng mga sinaunang kabihasnan, ay maaaring matawag bilang isang sibilisasyon kung mayroon ang isang grupo ng mga tao o ang isang lipunan ng mga sumusunod na katangian:
1. Nagkakaroon ng urbanisasyon;
2. Pagkakaroon ng panlipunang stratipikasyon;
3. Pagkakaroon ng sariling paraan ng pagsusulat; at,
4. Pagkakaroon ng kakayanang magpunyagi at kontrolin ang mga bagay na umiiral sa paligid niya.