Answer:
Mga Halimbawa ng Pagtawag o Apostrophe
Ang pagtawag o apostrophe ay isang uri ng tayutay. Ito ang pakikipag usap sa karaniwang bagay na tila ito ay may buhay ng isang tao o di kaya ay isang tao gayong wala naman ay parang naroroon at kausap.
Narito ang limang halimbawa ng pagtawag o apostrophe:
Kamatayan nasaan ka na? Putulin mo na ang aking paghihinagpis.
O tukso, layuan mo ako!
Suwerte, dumapo ka sa akin at ako ay payamanin.
Aking tanim, kailan ka ba mamumulaklak?
O tadhana, kailan ko ba makakamit ang pag-ibig na para sa akin?
Para sa kahulugan at iba pang uri ng tayutay, alamin sa link:
https://brainly.ph/question/1913264
#BetterWithBrainly