buod ng ang buwang hugis suklay


Sagot :

Answer:

Tanong : Ano ang buod ng “ ANG BUWANG HUGIS – SUKLAY”

SAGOT:  

ANG BUWANG HUGIS-SUKLAY

ANG BUWAN  ay makikita sa ating kalangitan lalong- lalo na kapag gabi, ito ay may apat na klase.

1. Full moon

2. New moon

3. First quarter

4.     Half Moon

Ang SUKLAY ay ginagamit sa buhok ng isang babae at lalake, kalimitan pagtapos sa maligo at ginagamit  sa pagaayos ng buhok ng babae.  

Ito ang buod ng BUWANG HUGIS- SUKLAY

Tauhan:

1. Mangingisda

2. Asawa ng mangingisda

3. Anak ng mangingisda

4. Ama at ina ng mangingisda

5. Tindera

                                ANG BUWANG HUGIS-SUKLAY

Noong unang panahon, may isang mangingisda na nagpaalam sa kaniyang asawa na lumuwas sa kabayanan upang mamili ng mga gamit sa pangingisda. Nagpabili ang kaniyang asawa ng kendi para sa kaniyang anak na lalake, at isang suklay na hugis buwan. Sinansabi ng kaniyang asawa na upang hindi niya makalimutan, tumingala lamang siya sa kalangitan at makikita niya ang buwang hugis- suklay.  

      Sa araw na iyon, ang buwan ay talaga namang magsisismula nang maging hugis – suklay. Nagsimulang humayo ang mangingisda at matapos ang maraming araw at gabi ng paglalakbay, narating niya ang kabayanan. Agad- agad niyang binili ang mga kagamitan sa pangingisda at ang kendi para sa anak. Ngunit ang isang bagay na pinapabili ng kanyang asawa ay kanya itong nakalimutan  at hindi niya maalala.

     Naghalughog siya sa buong tindahan upang maalala lamang niya ang ipinabili ng kanyang  asawa. Napansin ito ng tindera, “maari ko po ba kayong tulungan?,  wika ng tindera sa mangingisda. Hinahanap at inaalala ko ang ipinapabibili ng aking asawa, ang tugon ng mangingisda. Maraming hinalimbawang bagay ang tindera ngunit lahat ng sinabi niya ay mali. Ang huling sinabi ng tinder ay unan, at  biglang naalala ng mangingisda ang buwan at ang binilin ng kanyang asawa na tumingala ka lamang sa buwan .

Tumingala ang tindera  at nakita ang bilog na bilog na buwan na siya ring nakita ng mangingisda sa kaniyang pagdating sa kabayanan mula sa mahabang paglalakbay.

“Alam ko na makikipagpustahan ako sa’yo,  wika ng tindera sa mangingisda. Ito ang gusto ng asawa mong bilhin mo para sa kaniya. Agad- agad na inilagay ng tindera ang bilog na bagay sa isang supot. Binayaran ito ng mangingisda at bumalik na sa kanilang nayon.  

Sa  kaniyang pagdating, nadatnan niya ang nagaabang niyang asawa, anak, ang kaniyang ina at ama. Kumuha ka ng kendi , ang sabi niya sa kaniyang anak. Natandaan mo ba kung anong ipinabibili ko sa’yo? Ang tanong ng kaniyang asawa. Masayang itinuro ng mangingisda ang lukbutan na kinalalagyan ng kaniyang binili para sa asawa.  

“Wala naman dito ang “suklay na hugis buwan,”  pasigaw na sabi ng asawa niya. Lumapit ang mangingisda sa kinalalagyan ng lukbutan , dinukot ang supot at inabot sa asawa.  

Pinunit ng asawa ang supot at nakita ang sarili sa salamin kasabay ng panghahamak. Ganoon na lamang ang pagkabigla ng mangingisda sa naging reaksyon ng kaniyang asawa. “ bakit ka nagdala ng mia noi? Ito’y isang pangaalispusta!” pasigaw ng asawa. ( Ang mia noi ay mga salitang Lao na katumbas ng pangalawang asawa na mas bata sa unang asawa.Ito’y bahagi ng lipunang Thai at Lao.)

    Hinablot ng ina ng mangingisda  ang salamin at nagwika. “ Nakakadiri ka nga. Nagdala ka ng mia noi, na napakatanda na at nangungulubot pa. Paano mo ito nagagawa?”

Tumayo ang kaniyang anak na noo’y nakaupo  malapit sa kaniyang lola at hinablot ang salamin.  

“Lolo, tingnan ninyo. Kinuha niya ang aking kendi at kinakain pa, pagalit na sabi ng bata.“Tingnan ko nga ang masamang taong ito.” Wika ng lolo, Hinablot ng lolo ang salamin mula sa bata.” Iniismiran pa ako  ng kontrabidang ito! Saksakin ko nga ng aking patalim. “

       Inilapag sa sahig ng lolo ang salamin at inundayan ng saksak.” Saksakin din niya ako! Sigaw ng lolo. Nang Makita ito ng lolo, siya’y galit na galit sa sinaksak ang salamin at tuluyang nabasag,  ngayon ay hindi ka na makagagambala pa sa kahit sino! Ang sabi ng lolo.  

Para sa karagdagang impormasyon buksan lang ang link na nasa ibaba.

https://brainly.ph/question/410414

https://brainly.ph/question/140794

https://brainly.ph/app/ask?entry=top&q=tauhan+ng+buwan++na+hugis+suklay