ano ang mga pang ugnay na ginagamit sa sanhi at bunga

Sagot :

Ang SANHI ay tumutukoy sa ugat at dahilan ng pangyayari, samantalang ang BUNGA naman ay tumutukoy sa resulta o sa kinalabasan  ng pangyayari.

Ano nga ba ang mga pang ugnay na ginagamit sa sanhi at bunga?

Mga halimbawa ng mga pang ugnay na ginagamit sa sanhi

  • Sapagkat
  • Dahil sa
  • Palibhasa
  • Kasi

Halimbawa nito sa pangungusap

  1. Nawala ang tiwala niya sa kanyang kaibigan,sapagkat nalaman niyang sinisiraan siya nito sa iba pa niyang kakilala.
  2. Dahil sa malakas na ulan ay bumaha sa aming Probinsya.  
  3. Agad siyang nakapasok sa trabaho sa pamahalaan palibhasa ay anak siya ng isang pulitiko.
  4. Siya ay pinauna sa mahabang pila kasi meron siyang kapansanan.

Mga halimbawa ng mga pang ugnay na ginagamit sa bunga

  • Kaya
  • Dahil dito
  • Bunga nito
  • Tuloy

Halimbawa nito sa pangungusap

  1. Kaya siya ang nanalo sa isang paligsahan,dahil siya ay napakahusay.
  2. Matalino at mabait na bata si Karen,dahil ditto siya ay kinatutuwaan ng marami.
  3. Palaaway at nanakit sa kanyang mga kalaro si James,bunga nito nilalayuan na siya ng kanyang mga kaibigan.
  4. Nagpakita ng husay sa pagkanta si Gemma,tuloy sya ang napili upang ilaban sa paligsahan sa pagkanta sa ibang bayan.

Buksan para sa karagdagan kaalaman sa sanhi at bunga

https://brainly.ph/question/1719029

https://brainly.ph/question/1216225

https://brainly.ph/question/84847