Nag-aaral ___ isang kanta ang aking kaibigan para sa kanyang kaarawan.
a. Ng
b. Nang
c. Ang
d. Sa


Sagot :

Nag-aaral    ng   isang kanta ang aking  kaibigan para sa kanyang kaarawan.

Wastong paggamit ng salitang "ng" at halimbawa ng paggamit nito sa mga pangungusap:

1. Ginagamit ito sa pagsagot sa mga tanong na "Ano"

    Halimabawa:

  • Ano ang binili mo sa palengke? Bumili ako ng mga prutas at gular.
  • Ano ang ipinapagawa sa atin ng ating guro? Pinapagawa tayo ng isanag sanaysay tungkol sa SONA ng pangulo.
  • Ano ang gusto mong kainin para sa agahan? Gusto ko ng sinangag na kanin, itlog, tinapa at mainit na kape.

2. Ginagamit ito upang magpakita ng pagmamay-ari (possession)

    Halimbawa:

  • Dinala ni nanay ang pagkain ng kanyang anak sa paaralan.
  • Magaganda ang mga halaman ng aming kapitbahay.
  • Ang aso ng akong pinsan ay maingay tumahol.

3. Ginagamit ito kasunod ng mga salitang "saksakan", "ubod" at  "puno" bilang superlatibong pang uri

   Halimbawa:

  • Saksakan ng gulo ang kanilang lugar dahil sa mga lasinggero.
  • Ubod ng yaman ng mga Villar sa Pilipinas.
  • Puno ng kasiyahan ang pagdiriwang nila ng kaarawan ng kanilang lolo.

Iba pang aralin tungkol sa paggamit ng "ng":

https://brainly.ph/question/26926318

#SPJ4