Panahong Metal-mayroong nagsasabing bago pa man sumapit ang 2500 B.K. ay mayroon nang nagtutunaw ng mga dukalin (ore) upang gawing asero o bakal sa Mesopotamia. Subalit ang Panahon ng Asero ay karaniwang inilalagay ang simula sa petsang 1000 B.K., nang tuluyan na nitong mapalitan ang tanso bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng mga kagamitan at sandata ng mga tao.