Ang labis na paglalarawan sa isang tao, bagay, pangyayari at iba pang katangian at
kalagayan ay tinatawag na ______.
a. Onomatopeya
b. Hayperbole
c. Simili
d. Pang-uyam


Sagot :

Ang labis na paglalarawan ay isang uri ng tayutay na kung tawagin ay B. Hayperbole o Pagmamalabis sa wikang Filipino.

Ginagamit ang Hayperbole para bigyang empasis ang isang bagay, hindi ito ginagamit para magsinungaling. Kadalang nakakatawa ang epekto nito sa isang pangungusap, Nagmula ang salitang Hayperbole sa salitang Griyego na hyperballein na nangangahulugang: pagmamalabis. Ito ay madalas na ginagamit sa kaswal na pag-uusap at sa panitikan.

Iba pang halimbawa ng Hayperbole:

  • Sa sobrang tangkad ni Nicole natatakpan na ng ulap ang ulo niya.
  • Kaya ng ilipad sa langit si Ven sa dami ng kuto niya sa buhok.
  • Dadalhin ka sa langit, sa sarap ng leche flan ni Kyla.
  • Sa sobrang gutom ko, baka kumain na ako ng tao.
  • Mas matanda pa si Mike Enriquez sa mga dinosaurs.
  • Parang isang daang siglo na ang nagdaan noong huli kong masilayan ang iyong mukha.
  • Kung makikipagkarerahan siya sa suso, malamang mananalo ang suso sa sobrang bagal niya.

Para sa karagdagang kaalaman patungkol sa mga tayutay: https://brainly.ph/question/17376425

#SPJ4