Sagot :
Answer:
Bilang parte ng LGBTQIA+, masasabi ko na ang wikang Filipino ay nakaayon sa aming adhikain dahil ito ay gender-neutral.
Explanation:
Isang issue ngayon ang paggamit ng pronouns sa mga transgender kung "he" or "she" ba dapat. Ngunit ang wikang Filipino ay gumagamit ng "siya" bilang panghalili ano man ang kasarian. Eto pa ang ibang salita na gender neutral.
Kapatid
Anak
Manugang
Magulang
Apo
Pinsan
Balae
Ang iba salita na may kasarian ay hindi talaga galing sa atin kundi sa dayuhang bansa.
Ate/Kuya, Ditse/Dikong, Sanse/Sangko: Hokkien Language ng Taiwan
Lolo/Lola: Abeulo/Abuela ng Spain
Tiyo/Tiya Tito/Tita o iba pang may -a(pambabae) o -o (panlalake) sa dulo: Spain
Nanay/Tatay: Nuathl ng Native Mexico
Kung mapapansin mo, "Aba ginoong Maria.." ang gamit natin sa padasal dahil noong 1600's, ang Ginoo ang gender-neutral na term na ginagamit natin sa mas nakatataas. 1900s lamang nauso ang salitang ginang marahil dahil nakigaya tayo sa ibang bansa.
Masasabing ang wika ay sumasalamin sa kasaysayan at kultura ng pinanggalingan nito. Bago pa man dumating ang mga Kastila, tanggap na ang mga lalakeng nagsusuot ng pambabae at nakikipagrelasyon sa kapwa lalake o babae. Isa pa, pantay ang katayuan ng mga kababaihan at kalalakihan noon kaya hindi na masyadong naging partikular ang mga sinaunang Filipino sa kasarian ng indibidwal.