Maiuugnay ang pamumuhay ng tao sa anyong lupa o tubig sa kanilang paninirahan dahil nakadepende ang hanapbuhay ng tao sa kanilang tinitirahan. Halibawa, kung ikaw ay nakatira sa lugar na madaming puno, maaaring ito ang magsilbing pinagkukunan ng iba't- ibang likas na yaman gaya ng mga bungang kahoy. Ang isa pang halimbawa ay ang tirahan na malapit sa mga ilog o dagat. Ito din ang nagsisilbilbing pinagkukunan ng mga yamang tubig gaya na lang ng mga isda na kinakain araw- araw pati na rin ang mga yamang mineral na makukuha sa mga anyong tubig.