Sagot :
Answer:
1. Itinuturing na malas o wala ng silbi si Santiago bilang mangingisda sapagkat siya ay matanda na.
-Sa totoong buhay, kapag matanda na ang tao ang tingin sa kanya ng iba ay wala na siyang silbi o siya ay mahina na.
2. Pinagbabawalan ng mga magulang ni Manolin na sumama pa sya kay Santiago sa pag palaot upang hindi mahawa sa kamalasan nito.
- Isang katotohanan sa buhay na ang tao ay naniniwala sa kamalasan at naniniwalang mapapabuti ang trabaho o hanapbuhay kung ang mga kasamahan ay malalakas o nasa kabataan pa.
3. Pangarap ni Santiago sa kanyang paglalayag sa laot na mahuli ng malaking isda.
- Pangarap ng bawat mangingisda na makahuli ng malaki at maraming isda sa kanilang pagpapalaot.
4. Buwis buhay na nakipaglaban si Santiago sa mga pating upang masagip lang sa mga ito ang kanyang nahuling Marlin.
- Sa buhay ng tao, karaniwang nakikipaglaban tayo sa ating mga suliraning kinahaharap sa bawat araw upang mapagtagumpayan ang buhay kahit na minsan ay halos ikabuwis na ng ating buhay.
5. Hindi tumigil si Manolin sa pagdalaw-dalaw at pag-aalala kay Santiago kahit pinagbabawalan na siya ng mga magulang.
-Isang reyalidad sa buhay ng tao na bagamat pinupulaan ka ng iba at binabalewala ay merong taong magpapahalaga pa rin sa iyo.