IL TAMA & MALI: Isulat ang salitang TAMA kung ang tinutukoy sa bawat bilang ay tama at MALI naman kung hindi 1. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya 2. Kailangang sapat ang iyong kaalaman at kakayahan tungkol sa pagsasagawa ng moral na pagpapasva 3. Ang pagpapasya ay hindi nangangailangan ng kasanayan lalo na sa mga sitwasyong moral 4. Ang mga instrumento o gamit sa mabuting pagpapasya ay ang isip at damdamin 5. Kung mahusay ang pagpapasya, mas malinaw ang mga pagpiling gagawin 6. Ang panalangin ang pinakamabisang paraan na maaaring gawin upang ganap na maging malinaw kung ano ang plano ng Diyos para sa atin 7. Kung ano ang makabubuti sa iyo, ito ay walang kaugnayan sa mga taong nasa paligid mo 8. Ang tao ang pinakabukod-tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos dahil sa taglay niyang isip at kilos-loob 9. Batay sa ating pagpapahalaga, ginagamit natin ang ating isip at damdamin upang tiyakin sa loob ng sapat na panahon ang ating pasya 10. Walang permanenting bagay sa mundo, lahat ay nagbabago 11. Ang pagiging tama o mali ng isang pagpapasiya ay nakasalalay sa mga katotohanan 12. Ang isang bagay basta madami ang gumagawa ay laging tama. 13. Ang tao ay nabubuhay sa mundo na kasama ang kaniyang kapwa, kaya naman walang epekto sa iyong kapwa ang iyong pagkilos 14. Higit na makatutulong kung makikinig sa iba't-ibang pananaw upang makita mo ang problema sa iba't-ibang anggulo. 15. Ang pasya ay hindi na maaaring mabago pagkatapos pag-aralan ito