ano ang kalaban ng katotohanan at katapatan bakit minsan na gagawa natin ito? Ipaliwanag​

Sagot :

Answer:

Anumang uri ng pagsisinungaling ay kalaban ng katotohanan at katapatan sapagkat ang pagsisinungaling ay kasalungat ng pagiging totoo. Ang pagsisinungaling ang pinakamahirap na gawing perpekto sa lahat ng ipinag-uutos ng Diyos. Madali lang malaman ang pagsisinungaling sa kapwa subalit kadalasan, mahirap malaman ang pagsisinungaling sa sarili.

Ang pangongopya sa gawa ng iba, ang hindi pagsauli ng sumobrang sukli at ang kunwari hindi pagdinig sa tawag o utos ng nakatatanda ay mga senyales ng pagsisinungaling mo sa iyong sarili.  

May mga nagsasabing may dalawang uri daw ng pagsisinungaling:

black lies at;

white lies.  

Ang black lies daw ay sinasadya upang manloko ngunit ang white lies daw ay ginagawa para mailigtas kapahamakan ang isang tao. Gayunmapan, anuman ang kulay ng pagsisinungaling, layunin pa rin nitong manlinlang ng kapwa kaya kalaban ito ng katotohanan at katapatan mo sa iba at maging mismong sa iyong sarili.  

MGA POSIBLENG DAHILAN NG PAGSISINUNGALING

Kapag ang isang tao ay magnanakaw, magsisinungaling siya upang hindi mahuli.

Lalo na ang mga kabataan, nais nilang subukan ang night life at magsisinungaling sila sa kanilang mga magulang na may group study para makaalis.

Natatakot mapagalitan, kaya nagsinungaling ang bata na siya ang nakasira ng isang gamit sa bahay.

Nahuli ka sa trabaho kaya nagsinungaling kang nasiraan sa daan ang iyong sinasakyan.

Mga karaniwang sitwasyon lamang ito na nagbubunsod sa isang tao upang magsinungaling. Anuman ang iyong dahilan, pagsalungat pa rin ito sa katotohanan at katapatan kaya maituturing na pagsisinungaling. Ika nga,  "The end doesn’t justify the means". Anumang uri ng pagsisinungaling, masama pa rin ito.

Explanation:

pa brainliest naman po. please