Answer:
Ang pagsasabi ng totoo ay isang ugali na masasabing dapat taglayin ng kahit na sino man lalo na ang mga kabataan. Mahalaga na ang bawat tao ay nagsasabi ng katotohanan sapagkat:
Sa pagsasabi ng totoo o ng katotohanan ay nakakabuo tayo ng mabuting ugnayan sa ibang tao.
Sa pagsasabi ng totoo ay nabubuo natin ang ating dignidad na siyang pamantayan kung karapat-dapat ba tayo sa paggalang o pagrespeto.
Higit sa lahat, sa pagsasabi ng totoo ay pinagkakatiwalaan tayo ng ating kapwa na mahalaga upang mas maging makabuluhan ang ating buhay.
Explanation:
https://brainly.ph/question/22518861