saan ang tagpuan ng ibong adarna


Sagot :

Mga tagpuan sa kwento ng Ibong Adarna

Kahariang Berbanya- ito ang kaharian ni Don Fernando.

Bundok ng Tabor/ Armenia- dito makikita ang puno ng Piedras Platas kung saan matatagpuan ang Ibong Adarna.

Bundok- malapit sa bundok na ito matatagpuan ang isang maliit na bahay ng ermitanyo na nagbigay kay Don Juan ng kaalaman kung papaano mahuhuli ang Ibong Adarna.

Balon- sa ibaba nito dito nakita ni Don Juan ang isang napakagandang ginintuang palasyo.

Ika-pitong bundok- dito naglakbay si Don Juan upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 500.

Kaharian ng Delos Cristal- kaharian ni Haring Salermo.

Mga tauhan sa kwento ng Ibong Adarna

Ibong Adarna- isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sandaling umawit at marinig ang tinig nito.

Don Fernando- hari sa kaharian ng Berbanya na nagkaroon ng malubhang karamdaman.

Donya Valeriana- asawa ng hari na si Don Fernando at ina nina Don Pedro, Don Diego at Don Juan.

Don Pedro- panganay na anak nina Don Fernando at Donya Valeriana.

Don Diego- ikalawang anak nina Don Fernando at Donya Valeriana.

Don Juan- bunsong anak nina Don Fernando at Donya Veleriana na may mabuting kalooban.

Ermitanyo- siya ang nagsabi na ang tanging makapagpapagaling sa hari ay ang pitong awit ng Ibong Adarna.

Matandang Ketongin/Ermitanyo- tumulong kay Don Juan kung saan matatagpuan ang Ibong Adarna at  nagbibigay sa kanya ng kaalaman kung papano mahuhuli ang Ibong Adarna.

Matanda- ang tumulong at naghilot kay Don Juan ng binugbog sya ng kanyang dalawang kapatid.  

Prinsesa Juana- magandang prinsesa na nakita ni Don Juan sa ibaba ng balon na kalaunan ay ikinasal kay Don Diego.

Leonora- magandang prinsesa na nakita ni Don Juan sa ibaba ng balon at umibig ito sa kanya.

Serpente- ang may pitong ulo na nagbabantay kina prinsesa Juana at prinsesa Leonora sa ibaba ng balon.

Higante- kasama ng serpente na nagbabantay sa dalawang prinsesa sa ilalim ng balon.

Lobo- ang alaga ni prinsesa Leonora na inutusan niya upang tulungan si Juan ng mahulog ito sa ilalim ng balon.

Donya Maria/ Maria Blanca- anak ni Haring Salermo na may taglay na kapangyarihan. Siya ay napangasawa ni Don Juan.

Ermitanyo na may edad na 500- ang ermetanyong nagpapunta kay Don Juan  sa ikapitong bundok upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 800.

Haring Salermo- hari ng kaharian ng Delos Cristal. Ama ni Donya Maria ang nagbigay ng mga mahigpit na pagsubok kay Don Juan.

Negrito at Negrita- ang inilabas ni Donya Maria at ginamit upang bumalik ang ala-ala ni Juan.  

Mga aral na mapupulot sa kwento ng Ibong Adarna

1. Mahalin mo ang iyong kapatid gaya ng pagmamahal mo sa iyong mga magulang.

2. Tumulong sa iyong kapwa lalong lalo na sa mga nangangailangan.

3. Maging mapagbigay sa kapwa. Ibahagi sa iba kung ano mang meron ka.

4. Huwag tumingin sa pisikal na anyo ng isang tao.

5. Huwag mainggit sa nakamtang tagumpay ng iba.

6. Huwag gumawa ng masama sa iyong kapwa, dahil ito ay malaking kasalanan sa mata ng tao at sa Diyos.

7. Manatiling maging isang mabuting tao sa kabila ng paggawa ng masama sa iyo ng iyong kapwa.

8. Maging mapagpatawad sa mga nagkasala sayo.

9. Maging matapang at manatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok na dumarating sayo.

10. Maging isang mabuting anak sa iyong mga magulang.

Mga Mahahalagang Pangyayari sa kwento ng Ibong Adarna

  • Nagkaroon ng isang masamang panaginip ang hari at sya ay nagkasakit.
  • Isang ermitanyo ang dumating at nagsabi na ang tanging makapagpapagaling sa kanya ay ang pitong awit ng Ibong Adarna.
  • Dahil sa magandang kalooban ni Don Juan, sya ay tinulungan ng matandang ketongin kung papaano matatagpuan ang Ibong Adarna.
  • Nailigtas ni Don Juan ang kanyang dalawang kapatid nang buhusan nya ito ng tubig ayon s utos ng ermitanyo.  
  • Sinaktan si Don Juan hanggang sya ay mawalan ng malay sa kabila ng pagliligtas nito sa dalawa nyang kapatid.
  • Dagli-dagling umuwi si Don Juan at sa kanyang pag-dating sa kaharian nagpalit agad ng balahibo ang ibon at bigla itong umawit kaya gumaling ang hari.
  • Nakita ni Don Juan ang mga magagandang prinsesa na si Juana at Leonora.
  • Pinutol ni Pedro ang lubid at nahulog si Juan sa ibaba ng balon at sya'y labis na nasaktan.  
  • Nagising si Don Juan at nirinig ang awit ng ibon tungkol sa isang mas magandang prinsesa na si Maria Blanca.  
  • Sinubok ni Haring Salermo si Juan, naging mahigpit ang mga pagsubok na ibinigay sa kanya.
  • Dahil napagtagumpayan ni Don Juan ang mga pagsubok, napilitan si Haring Salermo na ipakasal ang isa sa kanyang mga prinsesa.  
  • Nalaman ni Leonora na dumating na si Juan, sya'y lumapit kay Juan at nakalimutan ni Juan si Maria.  
  • Unti-unting nagbalik ang ala-ala ni Juan at sila ay nagpakasal ni Maria.  

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Bakit itinuring na angkop na angkop ang mga nilalaman ng ibong adarna sa kalinangan at kulturang pilipino bagama't sinasabi ng marami na isang halaw o huwad na panitikan lamang ito?: https://brainly.ph/question/2093901