1. Panimula (Mungkahing Oras: 10 minuto) Marami man ang tauhan sa Noli Me Tangere, ang bawat tauhan ay may mahalagang papel na ginagampanan sa nobela. Nilikha at ibinatay ni Dr. Jose Rizal ang mga tauhan ng nobela sa mga katangian ng mga Pilipino at Kastila na nakapaligid sa kaniya na nagtataglay ng iba't ibang simbolo o simbolismo na lalong nagpatingkad sa akda. Panuto: Piliin sa mga tauhang nakasulat sa loob ng kahon ang inaakala mong nagsabi ng mga sumusunod na pahayag.Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Crisostomo Ibarra
Maria Clara
Elias
Sisa
Padre Damaso
Basilyo

1. "Hindi ka nagkakamali. Ngunit di-ko naging kaibigang matalik ang iyong ama".

2. "Nakikita mo ba yaong mga ilaw sa kampanaryo? Naroroon sina Basilio at Crispin ngunit di ko dinadalaw si Crispin dahil sa may sakit ang Kura".

3. "Kung ako po ay inyong minamahal ay huwag ninyo akong pabayaang maging sawi habang buhay. Ibig ko pong magmongha".

4. "Kahit ako'y kalimutan ng aking bayan, sa lahat ng sandali'y inaalala ko siya".

5. Humatol upang makagawa ng mabuti at hindi masama; upang makabuo at hindi makasira, sapagkat sa sandaling makagawa ng kamalian hindi na malulunasan ang kasamaan niyang nagawa.​