anong kahulugan ng marubdob?

Sagot :

Kahulugan ng Marubdob

Ang marubdob ay binubuo ng unlaping ma- at salitang ugat na dubdob. Ito ay naglalarawan ng lakas ng apoy o tindi ng damdamin ng isang tao. Ang kahulugan ng marubdob ay maalab, masidhi, matindi o maliyab. Marubdob ang apoy kung patuloy ang paglalagay ng gatong. Marubdob naman ang damdamin kung labis ang emosyon na nadarama.

Mga Halimbawang Pangungusap Gamit Ang Marubdob

  • Dahil sa marubdob na pagmamahal niya sa kanyang nobya ay nasiraan siya ng ulo nang mamatay ito.

  • Bakas sa kanyang mata ang marubdob na galit dulot ng pagtataksil.

  • Binalot ng marubdob na apoy ang kabahayan sa Maynila.

Kahulugan ng malalim na salitang Tagalog:

https://brainly.ph/question/2752020

#LearnWithBrainly