Tama o Mali 1. Hugasan ang bahaging nakagat ng insekto ng sabon at tubig. Maaari ding gamitin ang alcohol, suka, katas ng kalamansi o lemon. 2. Ang balinguyngoy o pagdugo ng ilong ay isa lamang sa mga sakuna at karamdaman na walang pinipiling panahon at lugar. 3. Hugasan ang sugat gamit ang sabon at tubig. 4. Rabies ang nakukuha ng biktima sa kagat ng aso at pusa. 5. Panatilihing nakaupo at iwasang maigalaw ng biktima ang kanyang katawan upang maiwasan ang mabilisang pagkalat ng lason kung nakagat ng ahas.