Ang mga pinuno sa pamahalaan ay pinipili ng mga mamamayan upang sila ay pansamantalang mamuno at mamahala sa ating bansa. Ano-anong mga katangian ang dapat na tingnan sa pagpili ng mga pinuno at bakit ito kailangan?

Sagot :

Pagpili sa karapat-dapat na pinuno

Ano-anong mga katangian ang dapat na tingnan sa pagpili ng mga pinuno?

Ang isang mahusay na pinuno ay dapat:

  • Marunong rumespeto sa iba't ibang paniniwalang panrelihiyon ng mga mamamayan na kanyang nasasakupan. Ang isang pinuno ay hangga't maaari ay hayaan niya ang pananampalataya ng iba.
  • Mayroong malalim na pang-unawa sa mga isyung kinakaharap ng bayan (poverty, corruption, morality).
  • Mapagkumbaba, magiliw, at higit na pinahahalagahan ang maliliit at karaniwang tao.
  • May kakayahang magbigay solusyon at tumugon sa kasalukuyang mga isyu.
  • Matapat sa kanyang nasasakupan, hindi nagnanakaw ng kaban ng bayan at ginagamit sa wasto at sa ikabubuti ng lahat ang mga buwis na natatanggap mula sa kaniyang mamamayan.
  • Ang isang bayan o imperyo ay nagiging matagumpay at maunlad kung ang pinuno ay matapat.
  • Ang mahusay na pinuno ay magalang at masuyong tinutupad ang paglilingkod sa bayan.
  • May Kaalaman sa responsibilidad at tungkulin sa posisyong nais kalagyan.