Sagot :
Answer:
Ang Noli Me Tangere ay isinulat ni Dr. Jose Rizal para maipakita at maipamulat sa mga Pilipino ang mga pang-aabusong ginawa ng mga pari noong panahon ng mga kastila. Ang akdang ito ni Rizal ay nangangahulugang " Touch Me Not " sa Ingles at " Wag Mo akong Salingin " sa Filipino. Ang titulo ng nobelang ito ay repleksyon ni Rizal sa mga pangyayari sa ating lipunan noong panahong nasakop tayo ng mga dayuhan. Para mas lubos na maintindihan ang nobelang ito, narito ang maikling kabuuan o buod ng Noli Me Tangere: Buod ng Noli Me Tangere Isang binatang Pilipino ang umuwi sa Pilipinas matapos ang pag-aaral sa Europa ng pitong taon, ang binatang ito ay walang iba kundi si Juan Crisostomo Ibarra. Sa kanyang pagbabalik ay naghandog si kapitan Tiago ng isang hapunan. Habang nagaganap ang piging na ito ay makalawang hinamak siya ng isang prayleng pransiskano na dati nang naging kura ng San Diego at dating kaibigan ng kanyang ama. Siya ay walang iba kundi si Padre Damaso.