Panuto: Tukuyin kung anong uri ng kaalamang bayan ang nasa bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang. A. Tula o Awiting Panudyo C. Tugmang de-gulong B. Bugtong D. Palaisipan _1. Wag dumi-kuwatro dahil dyip ko ay di mo kuwarto. 2. May puno walang bunga, may dahon walang sanga. _3. Walang sala ay ginapos, tinapakan pagkatapos 4. Batak mo, hinto ko! 5. Huminto nang pawalan, lumakad nang talian. _6. Ako'y tutula, Mahabang mahaba Ako'y uupo. Tapos na po. 7. Anong meron sa aso na meron din sa pusa, na wala sa ibon, ngunit meron sa manok na dalawa sa buwaya, at kabayo na tatlo sa palaka? _8. Huwag kalimutang pumara nang makauwi sa pamilya. _9. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi. _10. Pedro Penduko matakaw sa tuyo Nang ayaw maligo pinupok ng tabo. 11. Isang butil ng palay, Sakop ang buong bahay. _12. Ang di magbayad mula sa kaniyang pinanggalingan ay di makararating sa paroroonan. _13. Mayroong tandang sa ibabaw ng bubong na piramido ang hugis. Nagtatalo-talo ang mga kapitbahay kung saan babagsak ang itlog ng tandang. Saan babagsak ang itlog ng tandang? _14. Itim ng binili ko, naging pula ng ginamit ko. _15. Barya lang po sa umaga, sa hapon pwede na. _16. Nagtinda sa gabi, nang hindi mabili, umupo sa tabi. 17. Ano ang mas mabigat isang kilong pako o isang kilong bulak? 18. Pasaherong masaya, tiyak na may pera. _19. Ano ang tinapay na hindi kinakain ang gitna? 20. Puwedeng matulog, bawal humilik.