Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag/katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ito ay ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser. A. Ekwilibriyong dami B. Ekwilibriyong presyo C. Disekwilibriyo D. Ekwilibriyo sa pamilihan 2. Ito ay isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan. A. Ekwilibriyong dami B. Ekwilibriyong presyo C. Disekwilibriyo D. Ekwilibriyo sa pamilihan 3. Kapag ang presyo sa pamilihan ay mas mataas kaysa presyong ekwilibriyo, magkakaroon ng anong sitwasyon? A. Surplus ng mga produkto o serbisyo B. Shortage ng mga produkto o serbisyo C. Ekwilibriyong presyo D. Disekwilibriyo 4. Ang anumang sitwasyon o kalagayan na hindi pareho ang quantity demanded at quantity supplied sa isang takdang presyo ay tinatawag na? A. Surplus ng mga produkto o serbisyo B. Shortage ng mga produkto o serbisyo C. Ekwilibriyong presyo D. Disekwilibriyo 5. Ito ay ang kalagayan sa pamilihan kung saan mas marami ang supply kaysa demand. A. Ekwilibriyong dami B. Shortage C. Surplus D. Ekwilibriyo 6. Kapag ang presyo sa pamilihan ay mas mababa kaysa presyong ekwilibriyo, magkakaroon ng anong sitwasyon? A. Shortage ng mga produkto o serbisyo B. Surplus ng mga produkto o serbisyo B. Ekwilibriyong presyo D. Disekwilibriyo 7. Ayon kay Nicholas Gregory Mankiw (2012) “Kapag nagaganap ang ekwilibriyo ay nagtatamo ng kasiyahan ang parehong konsyumer at prodyuser". Ano ang pamagat ng kaniyang aklat kung saan niya ito isinulat? A. Essentials of Market B. Essentials of Economics C. Essentials of Microeconomics D. Essentials of Market Equilibrium 8. Ito ay ang punto kung saan ang quantity demanded at quantity supplied ay pantay o balanse. A. Ekwilibriyong dami B. Ekwilibriyong presyo C. Disekwilibriyo D. Ekwilibriyo sa pamilihan 9. Ito ay ang kalagayan sa pamilihan kung mas mataas ang dami ng demand kaysa sa dami ng supply. A. Ekwilibriyo B. Ekwilibriyong dami С. Shortage D. Surplus 10. Ito ay ang tawag sa napagkasunduang bilang ng mga produkto o serbisyo. A. Disekwilibriyo B. Ekwilibriyong dami C. Ekwilibriyong presyo D. Ekwilibriyo sa pamilihan