Tayahin Panuto: Iguhit ang kung ikaw sumasang-ayon sa sumusunod na pahayag at kung hindi 1. May maganda at hindi magandang dulot sa ating bansa at pamumuhay ang pagtanggap ni Pangulong Roxas sa mga ilang hindi pantay na kasunduan na dala ng Rehabilitation Act. 2. Nararapat lamang pagpapanatili ng 23 base militar ng Amerikano sa Pilipinas dahil hindi pa kayang protektahan ng Pilipinas ang sariling bansa laban sa mga mananakop pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig. 3. Labag sa saligang batas ang pagpirma ni Pangulong Manuel Roxas sa kasunduang parity rights dahil ang Pilipinas ay isang malayang bansa at may sariling estado. Nararapat lamang na unahin ng pamahalaan ang pag protekta sa mga mga karapatan ng mga mamamayan nito. 4. Ang Bell Trade Act ay nagpatatag sa ekonomiya ng Pilipinas. Maraming mga Pilipino ang nakinabang at nagkaroon ng kabuhayan ngunit ito ay may dala ding hindi magandang epekto tulad ng colonial mentality. 5. Maraming Pilipino ang bumatikos at kumondena sa desisyon ng Pangulong Roxas na tanggapin ang tulong mula sa pamahalaang Amerikano kapalit ng mga hindi pantay na kasunduan.