Isa sa mga pinakamagagandang lugar na angkop sa pag-a-agrikultura ay matatagpuan sa kontinente ng Asya. Ang ilan sa ibaba ay ang mga tipo ng pag-a-agrikultura sa iba’t ibang bahagi ng Asya:
1. Timog Asya – saging, goma, niyog, at bigas, ang ilan sa mga pananim sa katimugang Asya.
2. Hilagang Asya – mais, trigo, cotton, soybeans, almonds, at gatas ang ilan sa mga pang-agrikulturang produkto ng hilagang Asya.
3. Silangang Asya – bigas, soybean, trigo, at iba pang mga halamang pang-agrikultura ang nabubuhay rito.
4. Kanlurang Asya – mas umaasa sa mga buhay na hayop at mga madadaling mabuhay na pananim dahil narin sa halos tuyot na lupa.