Sagot :
Ano ang kontribusyon ng simbahan sa lipunan?
Narito ang ilan sa mga kontribusyon ng simbahan sa lipunan.
- Nakapagtayo sila ng mga paaralan. Bagama’t maituturing na negosyo ang mga ito, nakatulong din naman sa mga mamamayan natin na mayroong kakayahang mapag-aral ang kanilang mga anak sa mga tinatawag na Catholic schools.
- Napag-aral nila ang marami sa kanilang mga katulong o mga anak nito mga paaralan ng walang bayad.
- Nagkaroon ng charity program ang mga simbahan upang makatulong sa mga mahihirap.
- May nagawang tulong din ang simbahan sa mga nasalanta ng bagyo o lindol. Ito ay ang pagkolekta ng mga donasyon tuwing may matinding kalamidad sa Pilipinas.
- May mga naipatayong ospital ang ilang simbahan na tumutugon sa pangangailangan ng mahihirap.
- Naging gabay ang simbahan at mga aral nito sa marami.
- Naitaguyod nito ang karapatang pantao
Sa kasalukuyan, ang simbahan ay balot ng kontrobersya, ipinapaalala nito na hindi naiiba ang simbahan sa maraming organisasyon na binuo upang hawakan ang kaisipan ng marami at lumikom ng pondo. Ito rin ay naglalaman ng mabubuti at hindi mabubuting miyembro. Hindi maitatanggi na may mga tao isinabuhay ang pagsisilbi at pinili na maging tao ng simbahan, at mayroon din namang mga sabik lamang sa kapangyarihan. Ang simbahan ay institusyon gaya ng gobyerno o pamahalaan, may kapangyarihan, nasasakupan at mga debotong tagasunod.
I-click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:
Kahulugan ng Encomienda https://brainly.ph/question/425668
Why are we a Catholic? https://brainly.ph/question/235724
What are the beliefs of Christians? https://brainly.ph/question/812387