Sagot :
Prinsesa Manorah
Sagot:
Ang Alamat ng Prinsesa Manorah ay tungkol sa isang Kinnaree o isang nilalang na kalahating ibon at kalahating tao. Si Prinsesa Manorah ang pinaka bata sa pitong magkakapatid na mga anak ng Haring Prathum at Reynang Jantakinnaree. Mga magagandang nilalang na namumuhay ng tago sa bundok ng Grairat. Mayroon silang kakayahang maging buong tao kung kanilang nanaisin. Masasalamin ba ang kultura ng Thailand sa alamat na ito?, Oo, dahil sa mga rason na:
- Ang Prinsesa Manorah ay nangyari sa lugay ng Thailand.
- Ang mga pangalan at karakter ay tulad ng mga tao na naninirahan sa Thailand.
- Pinamunuan ng isang hari ang lugar sa alamat.
- Ang kanilang paniniwala na mayroon mga mahiwagang nilalang na dati’y nanirahan sa Thailand.
Paliwanag:
Ang kultura ng isang bansa ay makikita o masasalamin sa mga taong naninirahan ditto sa kasalukuyan man o noong unang panahon. Ito ay an gating pagkakakilanlan at pagkakaiba sa ibang mga bansa. Halimbawa ng kultura ng Thailand ay:
- Ang kanilang mga kanta at tugtugin
- Mga damit
- Mga disenyo ng kanilang mga palamuti sa katawan
- Ang kanilang mga kwento
- Mga tradisyon
Kung lalahatin ang kultura nila, magandang pag-aralan na din ang kanilang bansa dahil doon malulubos ang pangangalap ng impormasyon. Tulad nating mga Pilipino mayroon din tayong kultura na nagsimula noong lumang panahon. Sa mga kulturang mayroon ang bawat bansa, nangyayari din na ito’y napapalitan ng bagong henerasyon. May mga bagay na naluluma at nakakalimutan, nasa sa tao ang kahabaan ng buhay ng mga kultura. Piliing ipanatili o tuluyan ng tanggalin.
Para sa Iba pang babasahin tulad ng naipaliwanag i-click ang mga link sa ibaba:
Alamat ni prinsesa menorah: https://brainly.ph/question/365097
Ano ang kahulugan ng kultura: https://brainly.ph/question/2052050
Kultura ng Thailand: https://brainly.ph/question/1499401