1. Paano ka makatutulong sa inyong klase sa pagbuo ng compilation ng likhang-sining? a. Gawin ito nang mahusay ayon sa paksa at ipasa sa takdang oras. b. Gawin ito sa malayang oras ayon sa paksa at ipasa kahit huli na sa oras. c. Gawin ito ayon sa naisin kahit malayo sa paksa at ipasa sa takdang oras. d. Gawin ito sa malayang oras kahit na iba ang paksa at ipasa kapag nakapasa na lahat. 2. Paano maipakikita ang contrast sa carved printing? a. Pagkukulay sa mga bahagi ng larawan. b. Pag-uukit sa gilid ng mga bagay sa larawan. c. Pag-uukit sa kahoy at pagdikit nito sa papel. d. Paggamit ng color harmony sa buong larawan. 3. Ano ang tawag sa pag-uukit ng disenyo sa goma at paglalagay ng tinta sa disenyong inukit upang ilimbag sa papel o tela? a. foam printing b. monoprinting c. rubber stamping d. string plucking 4. Ano ang maaaring layunin ng mga art exhibit na maaari mong salihan tuwing Arts Month? a. Mapahalagahan ang likhang-sining na gawa ng mga mag-aaral. b. Maipagmalaki ang iba't ibang talento ng bawat isa. c. Maipakita ang pagiging malikhain ng bawat isa. d. Lahat ng nabanggit.