PAano mo malalaman ang mabuting kaibigan?


Sagot :

kung dapt siyang mapag kakatiwalaan

Ang dapat mong malaman. Kung desperado kang magkaroon ng kaibigan, baka kahit sino na lang ang piliin mo. Sinasabi ng Bibliya: “Siyang nakikipag-ugnayan sa mga hangal ay mapapariwara.” (Kawikaan 13:20) Ang salitang “hangal” ay hindi tumutukoy sa mabababa ang grades o mahina ang ulo. Sa halip, sila ang mga taong hindi tumatanggap ng katuwiran at lumilihis sa moral na pamantayan—mga kaibigang hindi mo kailangan!

Ang puwede mong gawin. Sa halip na basta makipagkaibigan kung kani-kanino, maging mapamili. (Awit 26:4) Hindi naman ibig sabihin nito na magtatangi ka. Ibig lang sabihin, dapat marunong kang mag-obserba para ‘makita mo ang pagkakaiba sa pagitan ng matuwid at ng balakyot [o, masama], sa pagitan ng isa na naglilingkod sa Diyos at ng isa na hindi naglilingkod sa kaniya.’—Malakias 3:18.

“Buti na lang tinulungan ako ng mga magulang ko na makahanap ng mga kaibigan—mgakaedad ko na mahusay ang espirituwalidad.”—Christopher, 13.