Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong pagkatapos mong basahin.
Sa Aking Bayani: Ang Aking, Super Nanay
Alam kong mahal na kita kahit noon pa mang ako
ay nasa iyong sinapupunan.
Dinala mo ako roon ng siyam na buwan
pinalusog mo ako sa pamamagitan ng iyong pagkain
ng masusustansiyang pagkain at pag-inom g gatas.
Inawitan mo ako at binasahan ng mga aklat.
Kaya noon pa man, kilala ko na ang iyong tinig.
Nang ako ay isilang,
ang pagsasakripisyo mo ay hindi nahinto
dahil hindi ako natutulog a magdamag.
Kapag ako ay umiyak, lumalapit ka kaagad
upang ako ay iyong kargahin sa iyong mga bisig.
Laking ginhawa na para sa yo ang ikaw ay makatulog.
Palagay ko ay mahal na mahal a kita kahit noon pa.
Nang magsimula a akong matutong tumayo at maglakad,
nagkakandakuba a sa paggabay sa akin.
Marahil, ikaw rin ang unang umiyak
nang ako ay madapa at magasgasan ang aking tuhod.
Batid ko ring pinag-aalala kita tuwing ako ay may sakit.
Naitanong ko tuloy sa aking sarili, ikaw ba ay nagkakasakit rin?
Noon pa man ay hinahangaan na kita
dahil sa tuwina ay naroon ka para sa akin.
Kasama kita sa unang araw ng pagpasok sa paaralan
noong ako ay sobrang takot pa sa mga hindi karaniwang lugar at kakilalang tao.
Umiiyak ako noon at ayokong iwan mo ako sa aking mga guro.

Niyakap mo ako at sinabing:
"Huwag kang umiyak, aking anak, dahil narito lang si Nanay."
Hanggang sa hindi na ako umiyak at natuyo na ang mga luha.
Alam kong ikaw ay isang anghel na ipinadala sa akin ng Diyos noon pa.
Ngayon, ako ay malaki na, bata pa rin ngunit mas nagka-edad na.
Nakikita kiang gumigising nang maaga
upang ihanda ang aming almusal
at upang alalayan kami sa aming mga gawain
bago pumasok sa paaralan.
Sa gabi, bumibisita ka sa aking silid
upang tulungan ako sa aking mga takdang-aralin
kahit na alam kong pagod ka na rin sa trabaho sa opisina
at sa pagluluto ng hapunan pag-uwi sa bahay.
Noon pa man alam kong may taglay kang kapangyarihan.
Natitiyak kong mahal kita
sa buong buhay ko mula sa aking pagkabata
dahil minahal mo rin ako simula pa noon
at patuloy na nag-alaga sa akin
nang walang hinihintay na anumang kapalit.
Nanay, ikaw ang aking bayani.
Ang nag-iisa at tangi kong bayani.
1. Bakit nasabi ni Sunshine na ang kanyang nanay ang kanyang bayani?
2. Ano sa palagay mo ang mararamdaman ng nanay ni Sunshine kapag
nabasa niya ang tula?
3. Sino ang iyong bayani? Bakit?