bakit pinapalitan ang anyo ng ating salapi​

Sagot :

Answer:

Makalipas ang mahigit dalawang dekada, muli na namang nagpalit ng disenyo ng pera ang bansa. Ang mga bagong disenyo ay gawa nina Diwa Gunigundo -BSP Deputy Governor, at Ambeth Ocampo -Tagapangulo ng National Historical Institute.

Dahil dito, hinihikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang publiko na gastusin o ipapalit na sa mga bangko ang mga lumang disenyo mula Enero 2015 – Desyembre 31, 2016.

Pero bakit nga ba pinapalitan ang disenyo ng pera?

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ito ang itinakda ng batas. Ginagawa din ito upang maprotektahan ang integridad ng pananalapi sa bansa. Isa na rin sa dahilan ay upang makaiwas sa pamemeke ng pera.

Kung mapapansin ang disenyo ng bagong pera ng bansa, nasasalamin nito ang mga mahahalagang bagay para sa mga Pilipino. Naglalaman ang bagong disenyo ng iba’t-ibang mga hayop at tanawin na tanging sa Pilipinas lamang matatagpuan. Tulad ng tarsier, butanding, chocolate hills, Banaue Rice Terraces, at iba pa.

Ito rin ay nakaangat, isang katangian para sa mga bulag.