Sagot :
Answer:
1. Bakit maraming Pilipino ang nagalit at hindi sumang-ayon sa pagpirma ni Pangulong Roxas sa kasunduang inilahad ng Estados Unidos?
a. Ang kasunduan ay pabor lamang sa mga Pilipino
b. Hindi naging pantay ang kasunduan sa mga Pilipino.
c. Ang mayayaman lamang ang nakatanggap ng tulong at benepisyo.
d. Marami ang nakatanggap ng benipisyo at tulong mula sa Estados Unidos
2. Bakit labag sa konstitusyon at saligang batas ng Pilipinas ang
patakarang Parity Rights?
a. Ito ay isang paraan ng pakikipagkaibigan sa ibang bansa
b. Ito ay patakarang nag uutos na tumangkilik sa mga produkto ng
ibang bansa
c. Ito ay isang paraan ng panghihimasok ng makapangyarihang
mga bansa at mga bagong tatag na estado.
d. Ito ay kasunduang nagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano na linangin ang mga likas na yaman ng bansa.
3. Naging aktibo ang kilusang Hukbalahap (Hukbo Laban Sa hapon) sa administrasyong Roxas. Alin kaya sa mga sumusunod ang maaring naging dahilan ng kanilang pag-aalsa?
a. Pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga produkto ng ibang bansa.
b. Hindi pagsang-ayon ng pamahalaan sa kasunduang Batas Militar
c. Pagbabayad ng pamahalaang Amerikano ng napakababang halaga sa Pilipinas bilang bayad pinsala sa digmaan.
d. Galit at kawalan ng tiwala sa pamahalaan dahil sa pagsang-ayon nitosa mga hindi pantay na kasunduan na inilahad ng Estados Unidos
4. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa mga reaksiyon ng mga Pilipino sa mga ilang hindi pantay na kasunduan. Alin sa mga ito ang
hindi nabibilang sa kanilang mga reaksiyon?
a. Pag-aalsa laban sa pamahalaan.
b. Pagbatikos sa administrasyong Roxas
c. Pakikipagsaya kasama ang mga Amerikano
d. Galit dahil sa paglabag ng kanilang mga karapatan