Sagot :
Ang piyudalismo ay isang sistema ng pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pag-aari o may-ari ng lupa ay ipinasasaka sa mga nasasakupang tauhan na may katungkulang maglingkod at maging matapat sa kanila. Ang mga makapangyarihan ay mayroong mga tauhan na nagsisilbi sa kanila, lalo na ang pagsilbing militar kapalit ng kanilang proteksyon. Hindi itinuturing ang mga pari na natatanging sektor ng lipunan sapagkat hindi namamana ang kanilang posisyon dahil hindi sila maaaring mag-asawa. Maaaring manggaling ang mga pari sa hanay ng maharlika, manggagawa at mga alipin. Ang mga kabalyero ang unang uri ng mga maharlika, tulad ng mga panginoon ng lupa, na maaaring magpamana ng kanilang lupain. Ang huli ay ang mga serf. Nanatili silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka. Kaawa-awa ang buhay ng mga serf. Nakatira sila sa maliit at maruming silid na maaaring tirahan lamang ng hayop sa ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang panginoon nang walang bayad. Wala silang pagkakataon na umangat sa susunod na antas ng lipunan tulad ng maharlika at malayang tao.