II. PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasabi ng pag respeto sa suhestiyon ng kapwa, HINDI naman kung hindi. 11. Maging bukas tayo sa mga opinyon ng iba, ngunit kailangan muna nating suriin kung ito ba ay makakabuti o makakasama hindi lamang para sa sarili kundi para sa lahat. 12.Kung may pagkakataong hindi nagustuhan ang naibigay na opinyon sa iyo, maging mahinahon lamang sa pakikipag-usap, huwag agad magagalit o magsasalita ng hindi maganda, palaging isaalang-alang ay ang mararamdaman ng taong nagbigay nito. Lahat naman ay maaaring idaan sa maayos na usapan. 13. Iwasang magbigay ng mga mungkahi o opinion na makakasakit ng damdamin ng ibang tao. 14. Kailangang tanggapin natin ang opinyon ng iba lalo na kung ito ang mas makabubuti, maging tiyak at sigurado lamang bago isagawa ito. 15. Kung may isang paksang tinatalakay o pinag-uusapan, hingin muna ang opinyon o saloobin ng lahat, pagkatapos ay pagsama-samahin ang lahat ng ito, timbangin ang mga maaaring gawin at hindi gawin at saka magkaroon ng konklusyon. 16. Magkakaiba man tayo ng mga perspektibo sa buhay, palaging piliin ang pagkakaroon ng pagtanggap, sa kagustuhan ng iba. 17. Ipagpilitan ang sariling opinyon upang mas maging maganda ang proyektong gagawin. 18. Huwag nang humingi ng opinyon sa mga kasamahan dahil tatagal lang ang usapan. 19. Tanungin ang mga kasamahan kung gusto ba nila ang iyong suhestiyon. 20. Pinagbobotohan ang mga bagay na gagawin o batas na dapat ipatupad​