Ano-anu ang mga epekto ng migrasyon na dulot ng globalisasyopn sa bansa at sa mga Pilipino? ​

Sagot :

EPEKTO NG MIGRASYON NA DULOT NG GLOBALISASYON SA MGA PILIPINO

Ang migrasyon ay ang paglipat ng paninirahan ng tao sa mula sa isang pook papunta sa ibang lugar. Ang migrasyon ay maaaring panandalian o pang-matagalan, pansamantala o permanente. Ang migrasyon ay nangyayari dahil sa iba't ibang mga dahilan.  

Nangyayari ang migrasyon dahil napapansin ng ilang mga Pilipino na kapag sila ay lumipat sa isang lugar ay sasagana ang kanilang pamumuhay. Ang iba ay umaalis ng Pilipinas para magmigrasyon sa ibang bansa dahil para sa kanila ang mga kagamitan at pamumuhay doon ay kumpleto na at high-tech na. Ang iilan naman ay umaalis kanilang mga probinsya dahil mas marami silang kikitain kapag nasa lungsod sila nanirahan.

Sa panahon ngayon, maraming mga Pilipino ang umaalis sa kanilang bayan at pumupunta sa ibang lalawigan o bansa upang manirahan o magtrabaho. Halos makikita natin ngayon maraming nagtatrabahong mga kapwang Pilipino sa ibang bansa.

Ano ang kahulugan ng migrasyon? | brainly.ph/question/38137

#LETSSTUDY