ano-ano ang limang temang heograpiya ibigay ang kahulugan

Sagot :

Lugar, Lokasyon, Paggalaw, Interaksyon ng tao at kapaligiran, at Rehiyon
Lokasyon- tumutukoy sa kinaroroonan ng mga llugar sa daigdig
Lugar-tumutukoy sa katangiang natatangi sa isang pook
Rehiyon- bahagi ng daigdig na pingbubuklod ng magkatulad na katangiang pisikal o kultural
Interaksyon ng Tao at Kapaligiran- ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kaniyang kinaroroonan
Paggalaw- ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar; kabilang din dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari, tulad ng hangin at ulan.