Sagot :
Answer:
LUHA
Luha ay ang lumalabas na likido mula sa glandulang lakrimal o glandula ng luha. Dumadaloy itong pababa habang nasa ibabaw ng mata o buliga (buong mata), na nagdurulot ng pamamasa ng mata, at dumadaloy din sa talukap ng mata. Nakapahuhugas ng mga dumi mula sa mga buliga ang mga daloy ng luha, at mayroon ding panlinis o antiseptikong katangian at kilos.
Gayundin maraming kahulugan ang luha. May luha ng kaligayahan at may luha na kabiguan. Subalit anumang tubig ng luha na lumalabas sa mga mata, tanging ang nagmamaya-ari lamang nito ang nakakaalam. Minsan, ang luha ang nakakatulong upang mapagan ang damdamin na ikinukubli sa mga kilos at mata. Matapos lumuha ay nakapag-iisip nang mas malawak at positibong pananaw sa mga sumusunod na aksyong gagawin.