Ano ang kahulugan ng bihagin?

Sagot :

Kahulugan ng Salitang Bihagin

Ang bihagin ay nagmula sa salitang-ugat na bihag; ito ay nangangahulugang hulihin, ibilanggo, o ikulong. Ang salitang ito ay nagpapahayag ng kilos o galaw na kilala sa tawag na pandiwa sa bahagi ng pananalita.

Mga Pangungusap Gamit ang Salitang Bihagin

  • Nais bihagin ni Lolita ang mga manok ng kanyang asawa at ilagay sa isang kulungan.
  • Ang bansang Pilipinas ay dating bihag ng pamahalaang Espanya.
  • Maraming nabihag na lumabag sa batas ang mga pulis kaya’t ang kulungan ngayon ay siksikan na.
  • Ang utos ng ama ni Berto ay bihagin ang kanilang aso sa loob ng garahe upang hindi ito makapangagat.
  • Ang mga bihag na ibon ni Juan ay nakalagay sa isang malaking kulungan na gawa sa bakal.

Para sa mga karagdagang impormasyon maaring magtungo sa link na nasa ibaba:

https://brainly.ph/question/78770

https://brainly.ph/question/83790

https://brainly.ph/question/1048053

#BetterWithBrainly