Ano ang ibig sabihin ng Pax Romana?

Sagot :

Ang Pax Romana ay isang yugto sa panahon ng pamamayagpag ng Imperyo ng mga Romano kung saan may matagal na panahon ng kapayapaan at maliit na paggalaw ng mga Romanong militar.

 

Ang salita ay Latin na ang direktang kahulugan ay Kapayapaang Romano o Roman Peace sa Ingles. Dagdag pa, ito ay kilala rin bilang Pax Augusta dahil ang yugtong ito ay pinamunuan ng Emperador na si Augustus.